Tuesday, August 17, 2010

A Rule's Exception

"Kung ayaw may dahilan, Kung gusto may paraan"
Antukin - Rico Blanco


Tama.

Pero hindi ba minsan, may mga pagkakataon na "kailangan" lang talagang piliin ang A kaysa sa B? At ang pagpiling iyon ay hindi basta-basta nangangahulugang dahil AYAW at GUSTO mo sa isa sa dalawa. Minsan, kahit gusto mo ang B, ang A pa rin ang gagawan mo ng paraan dahil MAS GUSTO mo ito.

Kaya wag sanang husgahan ang PAGTANGGI ng isang tao at sabihing nagdadahilan lamang ito dahil kung tutuusin hindi naman natin alam kung ano talaga ang tinatakbo ng isip niya.

May kanya-kanya tayong buhay, at sa bawat buhay ay may kanya-kanyang desisyon na dapat ay matutunan nating respetuhin kung hindi man kayang tanggapin.


...for every rule has an exception.


Magandang Gabi =3

2 comments:

Anonymous said...

yaan mo, pagagalitan ni Miss O yung mga tao na di sumusunod sa exception to the general rule XD :P

H said...

ahahaha, hindi din, favorite nia yan di ba, kinakanta pa nga nia e XD