Sunday, May 15, 2011

Matutulog Na Lang


02:35 AM at gising pa ang madla. Siguro kanina pa nagsabi ang lahat na matutulog na, pero ganun pa din.

Nagtawanan na naman sina Khinh at Seyn, pasimpleng daldal sina Gran, Mush, at Suki na katabi ko. Nagtanong na naman si Neren kung di ba talaga kami matutulog, at ayun, nanahimik. Ayan na naman ang mga boses. Sabi ni Gran sabay na kong umuwi sa kanila bukas, syempre payag ako. Ang ingay nina Seyn, ayaw papigil. Lumabas si Neren, pero di ako sigurado kung siya nga ba yun at kung bakit lumabas. May sounds, Officially Missing You. May liwanag doon sa kabilang corner, cellphone din ang source no'n malamang. Patayin na daw ang mga phones sabi ni Toper, tama na daw ang text. Pero eto ako, type pa din ako ng type. So far, eto na ang pinakatahimik, congrats! Pero ayun na naman, “time check” daw sabi na naman ni Toper. Sabi naman ni Khinh gutom daw si Sah, though di ako sure kung tama ako ng narinig, ang totoo, pati ako gutom.

Tulog lahat ng nasa kama este papag na lang pala, at kaming andito sa baba, di pa din makatulog.Tumayo bigla si Khinh, nakatayo lang. Tapos bigla kaming inilawan. Bigla namang binuksan ni Neren yung T.V., sulitin daw namin ang binayaran. Tama nga naman sya don. TV5 lang ang may image, “wallpaper,” literal na walang motion. Nakita ko si Mush na gising din, pati katabi kong si Gran. Naumay na ang lahat sa wallpaper ng TV5. Maglalaro na lang daw ng snake si Gran. Si Neren, nagyayaya na namang magswimming. Bigla namang chinallenge ni Gran si Mush, pataasan daw ng score sa snake. Ayun di pa din gumagalaw si Vic Sotto SA T.V. May naglalaro din ng snake sa kabila, si Khinh yata? Sabi ni Bab, promise daw matutulog na siya.

Ewan ko kung hanggang mamaya kaming gising, 02:48 na. As usual, iingay ulit, may tatawa, may nagsasalita, tapos sunud-sunod na, epidemic na. Namatay yung snake ni Gran, ayaw na daw niya, matudtud ne kanu. Kailangang matulog na talaga, kasi kanina pa tulog ang iba. May lasheng, pagod, at kailangang magtrabaho mamaya ni Ate Dubz.

Natawa ako, as of this moment,nakita kong pareho kami ni Besh na nakade-kwatro nang nakahiga. May humihilik, di na bago yun. Naka-upo si Bab at Seyn, di talaga makatulog. Nag-play ang Sampip, naaalala ko si Soulmate. Alam kong kasama namin siya ngayon. If andito siya physically, siguro k.o. na din yun.

Sa taas: Jao, Lor, Besh, Kerwin, Arman, Anthon, Ate Dubz, Mack, at di ko na alam ang iba. Gustuhin ko mang tumayo at tignan, mababawalan lang ako nina Toper at Neren. Katabi yata ni Mack si Kim Raye na naka-improvised bed. Ahaha, paano kasi pinagdugtong lang yung dalawang upuan. Wala na ring nakaposisyon dun sa salamin. Dito sa baba: ako (katabi ng pader), Gran, Mush, Suki, Babab, Khinh, Mitsi, Sah, Seyn, Chicky, Neren, Toper, Sampi.

Tahimik na mga katabi ko, 02:56. Bukas pa din ang T.V.

02:57 AM. May magpapatay ba ng T.V.? Ginawang lamp, ika nga ni Seyn. Kaso di ako nakakatulog ng may liwanag.

Almost 03:00 AM, may alarm ako, sabi ni Neren, makikita ko siyang nakatayong matulog ulit like last two years ago sa Alfredo's. Di na yata niya maalala, 02:59 na eh, wala pa ding tumatayo at pumipwesto. Pero ginawa niya kanina yun, sa taas ng tinatawag na “vase” ni Bab, at nagsaluk-baba sa taas ng cabinet, ahaha. Nag-alarm na, di nga ginawa sa oras ni Neren.

Maingay pa din si Khinh at may background song pa din, may mga humihilik, at nagta-type pa din ako.

Nakakatuwa lang, madami kami ngayon. Isipin mo yun?! Ahaha, galing ng organizer – Gran! Buti nakasama ako, namiss ko sila. Masaya akong makinig lang at tumawa sa mga pang-aapi, banat, at mga kalokohan nila.

Wala ng nagsasalitaa, bukas pa din ang wallpaper sa T.V. At susubukan ko na ring matulog. GOOD NIGHT SLEEP AURUMZ. See you again later :') 03:04 AM.

03:05 AM, ramdam ko na nag aircon, tahimik na kasi lahat, maliban sa iilang nagbubulungan. Ahaha, ewan ko na talaga anong balak ng mga 'to. Sexy Chick pamo ang yung sounds, ano na? Party itey? Eh tulugan na nga di ba? Eto na, huling hawak ko na 'to ng phone. Maginaw na. 03:07 AM.

03:09 AM. Lean On Me. Version ng Glee yun ah. Nabigla lang. Ako lang kasi ang Gleek dito. Napa-isip lang ng malalim. “Lean on me when you're not strong, I'll be your friend, I'll help you carry on for it won't be long, til I'm gonna need somebody to lean on.” 03:11AM.

03:13 AM. Who Am I. Ano na? Matutulog na lang malulungkot pa. Kanino ba cellphone 'yun?! We miss you Soulmate :/ Pero don't worry about us, AURUMZ tamu pa rin, au'z na au'z :') 03:14 AM.

Composed last 05/14/2011
AURUMZ' SUMMER REUNION (May 13-14)

5 comments:

Anonymous said...

"Sabi naman ni Khinh gutom daw si Sah, though di ako sure kung tama ako ng narinig, ang totoo, pati ako gutom."
Gutom nga si Sah..Tinatanong nga nia ko kung my pagkain dw ako..

"Katabi yata ni Mack si Kim Raye na naka-improvised bed. Ahaha, paano kasi pinagdugtong lang yung dalawang upuan. Wala na ring nakaposisyon dun sa salamin. Dito sa baba: ako (katabi ng pader), Gran, Mush, Suki, Babab, Khinh, Mitsi, Sah, Seyn, Chicky, Neren, Toper, Sampi."
ahahaha!!..hindi mo ata alm kung saan ako nkapwesto?!..si kimraye nsa floor, ako nsa upuan..

H said...

Ahaha, nakakagutom kasi, ang tagal mulat ng madla :D

ahhaha, hindi! as in! asan ka ba? XD

Anonymous said...

nsa upuan, sa tapat ng pinto ng banyo..

H said...

OMG XD sakit sa katawan, buti nakaraos XD

Anonymous said...

hindi noh..hirap kya mtulog ng tuloy-tuloy..