Tuesday, May 31, 2011

Decisions: Deactivated, Basta, Para Kay Luigi


Ito yung last song na nirelease ng Fall Out Boy bago sila nagdecide na magpapahinga muna sila. Sabi nila, isang taon lang naman daw. Ang pinagtatakhan ko, matagal ng tapos ang "isang taon" nila. Asan na kaya sila.
      
Ang daming nangyari at nangyayari. Kaso, ang mangyayari, medyo mahirap i-predict unlike sa inaakala natin kung minsan.

Kasunod kasi ng salitang decision yung acceptance .Gaano man kahirap o kadaling tanggapin, carry lang dapat kasi may paki naman yung nasa taas. Depende na lang siguro sa mga sarili natin lahat.


Deactivated

Maraming nagtataka at nagtatanong. May iba pa sigurong nangungulit. Gusto ko ring malaman e. Pero pinili kong wag na lang. Kung anuman yung "mga other personal reasons" niya, alam kong nag-iisip siya at di ko siya kukulitin. Alam kong di siya nag-eemo, alam kong malalim yun. Naiintindihan ko.

Basta

Bakit ayaw na niya? Hindi siguro dahil sa ayaw na niya. Tulad ng narinig ko mula sa kanya, di naman mapipilit yun. Kusang darating, kusang mararamdaman. Ang mahalaga, nagkapatawaran. Di tamang ipilit at di tamang madaliin. Minsan dapat munang ipahinga yung sarili sa pressure. Minsan di enough na patawarin ng nagawan ng kasalanan, pwedeng pagpapatawad din sa sarili yung isa sa mga sagot. Bigyan natin ng chance mga sarili natin para huminga ng malalim, tapos ngumiti. I believe sincere smiles do help. Wag na tayong maging unfair sa mga sarili natin, kung nagawa na natin lahat, tama na muna. Nasabi na natin yung mga gusto natin. Bahala na lang yung nakikinig kung paano niya tatanggapin. Di ko sinasabing dapat ganito ang gawin. Wala naman ako sa posisyon. Mula sa mga nangyayari, kaya ko naisip yung mga ganitong bagay. Tulad ng motto ng pinsan ko: Life goes on. Di pwedeng hayaan nating mabuhay tayo sa loob ng isang isang araw na puro lungkot lang at bigat sa loob. Kailangang ngumiti rin tayo, minsan di para sa iba, pero para sa mga sarili natin. Akala lang natin lame, but no one can really tell.


Para Kay Luigi

Nakatunog na ko. At ang nakakatuwa pa niyan, di lang ako. Napag-usapan na namin minsan, mga dalawa hanggang apat na beses na. Di imposibleng di na namin siya magiging kaklase next sem. Yung post niyang "Something," dun siguro nagstart. Ang naisip ko pwedeng dalawa lang yan. Pwedeng may pagshishift o pagtatransfer na magaganap. Hindi nawala yung duda, until nung kasama na siya sa conversation tungkol sa oras na pagpunta para sa enrollment ng sabay-sabay, kung mag-iirreg ba siya o hindi. Nabura na sa isip namin, lalo na nabother kami dala na balitang alas-syete ng umaga halos ng pasok namin next sem.

Nabigla kami kahapon. Nakakatawang isipin na six days na pala siyang pumapasok sa ibang school. Medyo nakakaloko, ahaha. Kahapon din habang nagkoconfess na siya, di ko mapigilang maiyak. Kundi lang talaga dahil sa mga kasama namin, malamang tumulo na. Ang nakakatawa pa diyan, pati pala si Earl naiyak. Yung feeling na "Wow, bongga ka!" tapos biglang "Hindi nga?" Tuloy, General Assembly ang ending ng meeting namin. Di sinasadyang magbago yung atmosphere.

Nakaka-inis kasi si Ja, siya yung nag-oopen lagi ng "tingin niyo, ilan kaya sa'tin yung gagraduate ng magkakasama?" Ilan ang matitira? Ilan ang maiiwan? Open naman kami, alam naming darating yung ganung moment. Pero di ko ineexpect na muntik na kong maiyak nung finally ay nag-umpisa na yung kinakatakutan namin.

Ganun pa man, bilib ako sa kanya, masaya ako para sa kanya. Yung ginawa niyang desisyon, di biro yun. malaking hakbang tulad ng sinabi niya sa blog niya. Isa yun sa mga pinaka-mabigat na desisyong pwedeng gawin ng isang tao. Dalawang taon na kasi yung nalaan, dahilan kung bakit umuusbong yung panghihinayang feeling. Pero kung iisipin, lalong lalaki yung panghihinayang kung patatagalin pa yung pagse-stay at wala pa ding nangyayari. Masaya kami dahil yung ginawa niya, tama. Kung kaya, bakit hindi? Kung may pagkakataon, bakit hindi subukan?

Hindi ko sinisisi ang school. Naiintindihan ko ang standing namin. Pero kahit saang anggulo tignan, factor ang school. Kaya naniniwala kaming tama ang ginawa niya. We support him. At tulad ng sabi ni Earl, "matalino siya," andoon yung deep interest niya sa multimedia. Nakakatuwang isipin na mas madedevelop na niya yun.

Mamimiss namin siya syempre, at umaasa kaming makakilala siya ng mga magiging kaibigan niya. Yung mga maiintindihan yung pagkahilig niya sa Battle Royal at pag-arrive niya ng late :')

Iggi, tulad ng sabi ko kagabi, galingan mo, at kung walang matambayan, alam mo na kung sinong pinakamalapit na pwedeng puntahan. Kung kayang hilain si Sheng, go! Hihilain ko din yung ibang pumunta sa'min :') Good luck ha. At good luck din sa pag-amin mo sa iba pang may hindi alam. Lagot ka kina Cath, ahaha. Wag niya muna sana tong mabasa.

Dami ko tuloy nirereminisce, ikaw yata yung una kong naka-chat at nakatext sa mga boys, ahaha, at buti naman nagpapilit ka sa Bolinao! Anak ng strawberry sundae yan. Buti na lang at kaya pala. 

Di ko iwiwish na sana 'wag mo kaming kalimutan, alam naming hindi mo gagawin :') 
Yung song nga pala sa taas, alam mo na, favorite di ba?

Sabi nga ng isang kaibigan, MAY DALAWANG TAON PA, MARAMI PANG PWEDENG MANGYARI. Kaya natin 'to guys :')

9 comments:

Anonymous said...

thanks fr th memories. once an A206 always an A206!

H said...

Anonynous pa sya. Mukhang kilala naman kita :') tama yan! Pati A107 :)

Anonymous said...

Nung una ko 'tong nabasa, Hershey, honestly, I "almost" cried. Teary-eyed, yeaah. Hehehe. Ewan ko, nalulungkot ako na natutuwa na hindi ko maintindihan. :| :))

Pero, pero, salamat dito, sobra! Natouch ako. Hindi ko nga alam kung anong sasabihin ko, kung hindi.. SALAMAT! SALAMAT SA DALAWANG TAON NA PAGSASAMA, at nakakita ako ng "kaibigan" sa inyong lahat.

Pasensiya na kung nagsinungaling ako sa mga bagay-bagay, at kailangan kong magtago sa inyo. Kasi, ang initial reaction ko talaga, baka pigilan n'yo ko or something. Syempre, e malakas kayo sa'kin, baka hindi ako matuloy nito in the first place. Kayo na lang naman ang dahilan kung bakit ko pa gustong pumapasok sa Lyceum, other than that, wala na. Education-wise, waleeey talaga.

Ah basta, mamimiss ko talaga kayo ng sobra. SOBRA-SOBRA! Pero, don't worry, lumipat lang naman ako ng school, di pa naman ako nawala. Dadalaw ako minsan sa inyo, sa Lyceum at sa bahay niyo. Punta rin kayo sa'min aaah, OVERNIGHT! Hahahaaaaaa!

Mamimiss ko yung Sisigan sa pinsan ni Blanca, yung mga PE moments natin, Grupong Pribado, Bolinao at Sagada trip, yung TechDraw, 2D at BusMath moments, PhotoBooth, yung PBBA107, yung walls, si Ma'am Flora, at syempre, KAYO.. KAYO MISMO!

Sabi nga ni "Anonymous," (HEHE) once an A206, always an A206! Pati A107 at A109 na din. Isama mo na rin ang A306 kahit hindi ko na mae-experience. Lahat nang yan, nakatatak na sa'kin, kaya hinding-hindi ko yan makakalimutan!

SALAMAT SA INYO!
See you sooooooon! :D

H said...

Wait, what? Di ikaw si "Anonymous?" Sino yan? Si Bogs? Sino ka kuya/ate? ahaha

Ahay. Di man natin maintindihan mga nararamdaman natin, ang alam ko lang, natatawa ako sa photo mo dito! :D

Ahaha, kidding aside, wag ka ng makulit, forgiven ka na rin naman sa mga "white lies" mo, we understand, you were just worried. Buti di mo sinabi agad kay Jaring Jaring, nako, magaling mamilit yown, di ba?

Buti na lang talaga napilit tayo ni Sir Jimmy sa mga trips na yan! At least you spent your last days with your classmates happy at talagang di malilimutan! XD

tama tama! sa inyoooooo! takte, naalala ko na naman yung pagsilip ko sa bintana (screen door ba yun?) SANDAMAKMAK na pusa ang nakikita ko kung saan saan!

Iggi, magpaalam ka kay manong magtataho ha? ahaha at kay ma'am flora :D

Mamimiss ka din namin super. Nalulungkot ako kasi umalis ka na, isa ka lang pamo sa mga nakaka-intindi sa'kin kung bakit nakakatamad magtext. Ahaha.

"Lahat ng yan, nakatatak na sa'kin, kaya hinding-hindi ko yan makakalimutan!" ---> iba impact nito sa'kin :') SALAMAT IGGI BOY! See you soooooooon! :')

Anonymous said...

tsk tsk .. akala ko naman kilala mo ko .. hayzzz.. haha !

H said...

Akala ko kasi ikaw si @Iggi, pero hindi pala. So ngayon, wala akong idea, at mukhang wala ka ding balak magpakilala XD A206 ka, yun lang alam ko XD

trish said...

GRABE. sobrang hindi ako updated. Out of nowhere, bigla ko lang talaga naisipan magbasa sa blog ni hershey.

@LUIGI CRUZ, totoo talaga???? AS IN! :\

trish said...

GRABE! hindi ako updated. Out of nowhere, bigla ko lang talaga naisipan magbasa sa blog ni hershey. BA YAN! Totoo ba tlaga to as in?

H said...

@trish, yea, I'm sorry if you had to know about it here, si Iggi lang makakapag-explain :/ let's be okay :)