Ang weird. Kasi naman, earlier today, katatapos ko lang sa isa kong post, at ngayon, eto na naman ako. Eto pa ang isang weird. Nagtatagalog ako ahaha. I don’t think proper ang English para dito. Totoo niyan, hindi ko alam anong magiging pinaka-content nito, one thing’s sure, this is for my A’F.
Unang-una, kung may dapat mang sisihin sa pagpopost ko ne’to, nais kong itago siya sa pangalang ‘Janine Chloe Bautista!’ Eh pa’no naman kasi, sunud-sunod naglabasan ang pangalan niya sa inbox ko, at malamang pati na rin sa ibang A’F, hmmmn ewan ko lang kung pati kay Rox, kasi sun cell siya. Naumay na nga ako sa ‘lokolang’ ni ja e, at eto, habang nag-uumpisa na ko, patuloy pa rin ang pagbaha ng messages. Kaya ayan, medyo hati ang aking atensiyon, pero carry lang, dapat matapos to. Walang matutulog hangga’t hindi to tapos (parang TechDraw, scary!)
Hala, nag-gm na rin si Mariana! Hmmmn. At para makafocus na, text off muna ako. Like wth, ang random ko masyado, pati ako nalilito. Oh dali, eto na talaga.
May aalis: lilipad sa Japan, at lilisan sa Kamaynilaan, well pending pa naman yung last. Siguro yung thought na may aalis yung main source ng lahat na ‘to. Hindi man ako ganun ka open para i-voice out yung nararamdaman ko about it, habang umiikli ang countdown, nafi-feel ko na yung sadness.
I admit, masyado akong attached sa high school friends ko, and I won’t deny the fact na if bibigyan ng chance bumalik sa high school, I’ll grab it. But this doesn’t mean na hindi ko vinavalue mga college friends ko, dahil honestly, isa SILA sa dahilan kung bakit tumatagal ako sa Manila.
Ewan ko ba pa’no nagstart yung A’F thing. Basta sa pagkakaalala ko, malaking bagay ang pagkamatay ni Pres. Cory Aquino dito (let me explain, I’m not saying na buti na lang namatay siya ha..) Kung bakit, magtanong kayo sa pinakamaloko sa’min at muli, itatago ko siya sa pangalang ‘Janine Chloe Bautista’ peace!
Lola Cory (Blanca Rodriquez), Baby James/ Be Gems (Janine Chloe Bautista), Mami Krissy (Ansherina Serrano), Padyak/ Paj (Yvette Jerramie Manalo), Baby Josh (Roxel Santos), Tito Philip (Mariana Tricia Ayende), and Tito Noy (Hershey Deatrix Castro).
Lahat Aquino. Kung bakit nagka-PAJ at TITO PHILIP, bahala na kayong magconnect. Sobrang trivial di ba? Basta may connect yan, promise. As I remember, hindi lang kami ang original, may dalawa o tatlo pa yatang sinama, ngunit hindi tumagal. Lahat ng nasa taas, OFFICIAL!
Hanggang ngayon, naalala ko pa rin ang first encounter at impression ko about sa kanila. May isang mayamang susyalera, may hindi-ko-to-magiging-kaibigan na dating, may inosente, may mukhang scholar, may one-of-the-boys, at may mala-anghel ang dating. Looking back on that awkward first day of school ng college, mahirap talagang i-analyze kung kailan exactly dumating yung araw na napansin namin na same faces na ang nakakasama namin. At that point where everyone is still trying to adjust, cope, know others, and figure out kung pipiliin mong magpaka-loner o makisama sa iba, pare-pareho kaming naging komportable sa isa’t isa ng mga “same faces” na ito.
Hindi ka A’F kung hindi mababaw ang ligaya mo! Ika nga ni Ja, ang tanging bisyo namin ay ang tumawa, mas okay kung kaya mong humalakhak. Lalong mas okay kung after 10 years, eh hindi ka pa rin makaget-over sa nakakatawang pangyayari. Kung medyo slow ka at late reaction na, pasok na rin yun. Ang mahalaga, tumatawa ka. If tatanungin kung gaano kababaw, sobrang babaw na kahit ang hikaw na mukhang bawang, kahit ang shocking color na polo, kahit ang taong mukhang ‘Papa Jesus’ ang buhok, kahit ang mga white crocs ‘nyek nyek’ ay nakapagdulot na sayo ng walang katapusang katatawanan. Nasabi ni Ja noon na natutuwa siya, kasi ang mga knock knock jokes niyang walang kwenta sa high school ay bentang-benta sa’min. Kamusta naman, pati mga duwende at higante hindi namin pinalagpas. Yun bang tipong mapapa- stop, drop, and roll ka sa kakatawa, enough na yun para masabi mong tatagal ka kasama ang mga taong ito.
Natural, nakakahiya naman kung puro tawa lang ang alam naming gawin di ba? May umiiyak din, may nagagalit at napupuno ang pasensya, lahat ng nega na pwedeng maramdaman ng tao, dumadaan din naman kami diyan. Of all those times na namroblema ako, they never fail to make me laugh. Akala ko nung una puro ganun lang, puro lang sila patawa, pero habang tumagal, naglabasan na rin ang mga tunay na kulay! Ahahaha. May soft side din sila, hindi man showy ang iba, nakakatuwang isipin na pag-uwi mo sa bahay, may magtetext sayo at sasabihing ‘kaya mo yan’. They will be like any other friends: tutulungan ka sa assignments mo, tutulungan kang lumusot kapag nagka-red alert na, sasamahan ka sa cr, mang-aasar lang, maghohope ng best for your exams, itetext ka pag may sakit, nambi-b.i. ay nagyayaya lang pala, nagpapa-utang, pinagpupustahan ang mga late-comers at LAHAT NA. Normal sa madaling salita.
Hindi ko talaga alam kung saan aabot to, pero siguro, gusto ko lang ipagmalaki na hindi ako nagkamali sa pagpili ng mga kaibigan. Kahit na minsan, sa mata ng iba, mga K.J. kami, pasensya naman dahil kanya-kanya tayo ng trip sa buhay. At hindi ko man trip lahat ng gawain ng bawat isa sa A’F, at least, masasabi kong may iilang trip namin ang nag-intersect somewhere in the middle. Kung saan man yun, yun ang strength namin.
Never did I expect na mapapamahal ako sa mga A’F. Lalo na sa tulad kong bagong salta lang, ni minsan hindi ko naramdamang iba ako sa kanila. Considering the fact na iba-iba kami ng nakalakihan, himbis na magka-gap kami, naging open ang lahat na makilala at matuto mula sa isa’t isa.
Masakit mang isipin na this June, mababawasan na ng tigatawa, I still hope na like the usual thursday of 2nd sem, maglalunch pa rin kami ng kumpleto at masaya. Siguro naman by that time, na-master na ng lahat ang paghalo ng sizzling sisig!
Mukha lang kaming puro tawa, pero sa bawat araw-araw ng kababawan namin, sa puso namin, mahalaga ang bawat miyembro ng Pamilyang Aquino.
Ano ba yan, patapos na lang may hahabol pa, 12:12 am na, nagtext pa si Paj. Pasimpleng drama ang dating! Ahaha, kitam.. malungkot na nga, magpapatawa pa, defense mechanism?
_
SALAMAT SA INYO, mahal ko kayo, as in. May mawawala man sa Lyce, sanayan lang, never naman tayong nakakalimot sa isa’t-isa e. Ano pang silbi ng fb?
Hmpf! Tignan niyo naman kung ga’no kayo kahalaga, inuna ko pa tong blog at tinalikuran ang katext ko. Haha, joke naiintindihan naman ni BIGtime yun.
HEAD DOWN ang pasasalamat ko sa’nyo, ginawa worthwile ang 1st year college ko. Oh siya, 12:30 am na! ALAM NA! Iboto niyo na lang ako sa eleksiyon, kahit nilaglag ako ni Be Gems! Villar pala ha!
- Tito Noy
Hmpf! Tignan niyo naman kung ga’no kayo kahalaga, inuna ko pa tong blog at tinalikuran ang katext ko. Haha, joke naiintindihan naman ni BIGtime yun.
HEAD DOWN ang pasasalamat ko sa’nyo, ginawa worthwile ang 1st year college ko. Oh siya, 12:30 am na! ALAM NA! Iboto niyo na lang ako sa eleksiyon, kahit nilaglag ako ni Be Gems! Villar pala ha!
- Tito Noy
Eh biglang nagbrown-out!
(04.10.10, at habang mahimbing na ang tulog ng lahat humabol pa sa gm si Sheng..)
4 comments:
Ehem. Yung pangalan ko po? Di naman po masyadong ginamit no? ;) Salamat po. HAHAHA!
hinde ah, kaso mas maganda name mo dito sa gmail. hi JANINE!
Pa-comment nga dito! HAHAHA! NAMISS KO DIN. LOL. :)))
nalungkot ako ditoooo.. "I still hope na like the usual thursday of 2nd sem, maglalunch pa rin kami ng kumpleto at masaya." huhuhuhu
Post a Comment